Babagay naman kaya sa 'kin yan... Kumusta naman. Mwahahahaha. :p
Kahapon, pumunta ako sa school dahil magsisimula na kaming magtahi ng backdrop para sa play namin sa Speech. Plano ko talagang umuwi ng 4:00 pm, pero nausog nang nausog ang oras ng uwi ko dahil late na kami nakapagsimulang magtahi, mga 5:30 na. Ang ending umuwi ako ng 9:35, dahil tutal ginabi na ako at wala na akong kasabay umuwi, inintay ko na lang si Jean para may kasabay ako sa LRT. Napaka-busy ng mga tao kahapon, halos half ng 2CA1 nasa school. Yung iba nagre-rehearse para sa play, yung iba naman nage-edit ng Docu para maipasa by 9:00 pm. Napanood ko yung MTV at konting parts ng Docu. Gusto ko ang OBB ng Docu. Yung music, haunting. Ok din yung MTV. Pagkatapos ng mga araw na walang tulog (sa iba), madalian, mga aberya, mga salitaan, hindi pagkakaintindihan, sagutan, at kung anu-ano pa, awa ng Diyos naipasa naman namin ang mga output namin. Goodluck, mga taong Dapit-Hapon.
Ngayon namang araw na ito ay pumunta ulit ako sa school dahil sa Run for Humanity. Hanep naman talaga ang CWTS o, feeling major pa yata. Ang daming pinapagawa. Pffffffffft.
Inaantok pa talaga ako. Ayokong pumasok bukaaaaaaaas. XD
Sana maging ok na ang lahat. I hope I'm not asking for too much.
'bye.