Kahapon, maaga (as in two hours early) akong pumasok sa school dahil napag-usapan namin ni Jen na mag-review sa Math. Nakakatuwa kasi pagbaba ko sa Legarda station, guess who I saw?? Si Kamille, isa sa mga kabarkada ko nung fourth year! Ayun. I mean, it's almost been a year since we last hung out. Kaya naman natuwa talaga ako. Kaso hindi na kami nakapag-usap ng matagal kasi may class pa siya, and ako naman kailangan by 9:00 am nasa school na. At least now may communication na ulit kami. :D
Kanina, pumunta kami ni Janine sa Rob Galleria para manood ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. May event kasi dun for Indie films, kaya naman go kami. Haha. Actually, si Mama ang nag-inform sa 'kin about dun, at sinabi nga na manood daw kami nun. Kaya ayun. Sa loob ng cinema, less than thirty people lang yata kaming nandun. Gusto ko ng ganun lang, haha. Anyway, ang ganda ng film. Nakakatawa. Reminds me of Umbrella Country. Pero all in all, ok naman yung film. Unlike Kubrador, mas madali siyang maintindihan. Hehe. :)
Haynakew. Tomorrow na lang. Inaantok na kew. :p
ciaoers.
}} musika :: Daisukidayo // Otsuka Ai