Tapos na ko sa recitation ko sa Filipino. Ano kayang grade ko dun? Nyay.
At nakapag-practical na kami sa PE. Ay kamusta naman. Nagkalat daw ba ako. Ahaha. Buti na lang, naka-3 pa kami. Sabi ni sir, ayaw daw nya muna magbigay ng 5. Pero next time daw kapag ganun pa ulit ang presentation namin, singkong tumataginting ang makukuha namin. Dapat daw kasi, since special exam ang kinuha namin, dapat daw special din ang presentation namin. What, fireworks? Kidding. =) Tinuro na din pala yung Swing sa 'min kanina. Kamusta naman, nakakahilooo. Ayaw ko na. Waaah.. Bakit ba kasi Social Dance pa ang napili ko? Hmpf. Ball game na talaga ang kukunin kong PE next sem. May bagong PE daw eh, Corf (?) Ball (or whatever..). Baka yun na lang kunin ko ano. Ewan.
Two down, a few more to go this week. Reporting na lang tomorrow sa English. Tapos recitation ko sa Asian Civ (yung Asian conflicts ekek) at prelims sa CWTS on Thursday. Oops, may quiz pa pala sa Filipino. Ayayay. Kasi naman 'tong mga chorvang bagyo eh. Whatta timing. Ayan tuloy, ngaragan na naman. Tsk tsk.
Sana matapos na 'tong linggong 'to. At ang prelims week. Haay..
Long break, nasan ka?
ciaociao.
}} musika :: Ever After // Bonnie Bailey