Gusto kong matulog for more than 6 hours. Haay, sana lang talaga walang magtext from Mediartrix ng "Guys, we are going to have our prod meeting tomorrow/on Sunday..." etcetera etcetera. Matutulog na lang muna ko. Hehe. =p Lagi na kaya akong nakakatulog sa LRT.
Speaking of Mediartrix, when they said na it's fun being in a university-wide org kasi marami kang nami-meet, yung tipong kahit san ka mapunta meron kang nakikita na ka-member.. They were not lying. This afternoon lang, sunud-sunod yung mga nakita namin ni Jen na taga-M! Isa habang pababa from the CR sa carpark, dalawa while walking outside carpark, at isa habang nasa Tinoco. Kumusta naman. Ang saya di ba.
And speaking of LRT, may aberya na naman kaninang umaga! Eh di nasa Santolan ako. Then antagal ng train, parami na nang parami yung mga taong naghihintay. Hanggang sa dumating na yung train from Recto. Nung nakalabas na lahat ng tao from that train, hindi pa muna umalis yung train. Ilang minutes ding nandun yun, so akala namin yun na yung sasakyan namin. Sumunod ako dun sa mga tao na pumila dun sa may train. Tapos medyo matagal din kaming nakatayo dun. At, naisipan ng mga tao na bumalik na lang dun sa talagang sakayan. Parang tanga lang. Haha. Tapos may nag-announce na over the PA na may tech prob nga daw yung train. Maghintay pa daw kami. Finally, after ten years, dumating na ang train. Napuno kaagad. Tulakan. Unahan sa upuan. Sumara na yung pinto. Hindi pa man nakakaalis talaga yung train, tumigil pa. Tapos ang bagal pa ng takbo, as in .1km/hour. Bago pa man makapasok sa tunnel papuntang Katipunan, tumigil ulit. Pagdating ng Katipunan, nagmistulang LRT1 na ang LRT2 sa sobrang siksikan. Paglabas ng tunnel, as in naka-slant pa ang train, tumigil sya ulit. Umandar rin naman ulit after a few seconds. Tapos nakarating na kami sa next station, which is Anonas. Medyo mukhang reluctant na sumakay yung mga tao kasi nga puno na. Pero may isang bukod tanging mama na pasaway na pilit pa ring pumapasok sa tren. May backpack syang sukbit-sukbit. Eh di pasara na yung pinto. Hindi sumasara kasi naiipit yung bag. Mga 4 times ding nag-attempt yung driver na isara yung pinto. Nung nalaman nya na yung mama ang dahilan, sabi nya over the PA, "Huwag ka nang sumakay! Hindi tayo makakaalis nyan eh!". Nakakatawa talaga, yung mga pasahero tawanan ng tawanan. Sabi pa nung isa, "Kaya naman pala eh!" Soo.. After that, ok na ang sitwasyon ng tren. Siksikan nga lang. Buti naman at hindi ako na-late. Anyway, late din naman dumating yung prof namin sa first period eh. =p
After class may practice kami for social dance. Kaso umalis din ako kaagad kasi for some reason, my face felt hot tapos namumula pa, yung parang naglagay ako ng uneven na blush-on. Una kasi masakit lang yung ulo ko, mayamaya parang palala na nang palala. Hanggang sa naramdaman ko na nga na mainit yung mukha ko. Sabi nung groupmate kong si Valerie, allergy daw yun. O kaya baka daw may insektong kumagat sa kin, tutal nasa Tinoco kami. I think na baka it's because of the tuna salad sandwich I ate for lunch. Baka may something na nakahalo dun sa tuna. Eh ano pa bang spice or whatever ang hindi ko pa natitikman? Or maybe may kumagat ngang insekto sa kin. Kasi this morning, may napansin akong pantal sa mukha ko. Kaso, di ba, sobrang late naman yata ng effect. Whatever. For almost eighteen years of existence, aside from dust, wala pa kong nadidiscover na bagay na allergic ako. Hala. Ewan. Natulog na lang ako pag-uwi ko.
Tulog. Kulang ako nito. Haayy.
O sigue.
Wala na kong maikwento. =)
ciaociao.
}} birthday countdown :: 14 days.
}} musika :: Para sa Masa // Eraserheads