so today's friday the 13th..
ano ba namang araw to.. nakakaloka..
una sa eco. nag-uusap lang kami ni jean about sa eco classes namin nung high school. tapos napalakas lagn ung pagkakasabi ko ng "naintindihan ko" (i was referring to my class nung 4th year.. maayos kasi magturo ung teacher namin nun eh). abah, ang lola mo.. lumapit ba naman at sinabi na:
prof : "o ano yung naintindihan mo? sino yun?"
me: "ay ma'am wala po. iba yun."
p: "o ano yun?"
m: "ma'am wala nga po yun. iba po yung pinag-uusapan namin."
jean: "ma'am wala po yun. pinag-uusapan lang namin yung eco namin nung 4th year. we just were comparing."
p: "o ano yung mas madali? i was just concerned about it kasi malapit na yung prelims nyo."
ah basta ganun yung takbo ng chuva nya. haayy.. kainis yung ganun. ayoko ng parang sini-single out ka sa class. kaya nga hindi na ko nagsalita after nun eh.. naiinis lang ako. i know na may good intentions sya pero.. ah basta. hayaan nyo na lang ako.
tapos naman theo. ayun prelims na namin kanina. i think i did well.. sana.
then socio. discussions ulit. nothing out of the ordinary.
and lastly.. geo. supposed to be kanina namin ita-take yung 1st part ng prelims namin. kaso.. nag-brownout. akalain mo yun. sa dinami-dami ng oras at araw na pwedeng mag-brownout, kanina pa. so ayun. kamusta naman. uulitin tuloy namin yun, pero iba naman yung given. nakakainis. sayang yung mga sagot ko. grr. review na naman para dun. imbis na para sa 2nd part na lang eh..
on the positive side.. mage-EK kami tomorrow! yay! something to look forward to. kaya mamaya, i'll start reviewing na. then i'll make a reviewer para tomorrow habang nagb-byahe mag-aaral ako (naks!). syempre, major ko yun eh.
mood :: don't know, don't care.
blaring from the radio :: all falls down.